News:

SMF - Just Installed!

Main Menu

Pinapalayas na ng SEC Philippines ang Binance App

Started by viudez, Apr 24, 2024, 02:48 PM

Previous topic - Next topic

viudez

Sa isang inaasahang hakbang galing sa SEC Philippines, kumuntak na ito sa Google at Apple na alisin na ang Binance App sa kanilang platform para di na talaga makapag-negosyo pa ang Binance kahit kailan dito sa buong bansa at ang mga members nito ay di na maka-access pa sa Binance. Kasunod ito sa desisyon ng SEC na wag na payagan ang Binance na maka-operate pa sa Pilipinas dahil sa kadahilanang wala itong license at legal na katayuan dito sa atin. Sa pangyayaring ito, mahirap na ngang manatili pa sa Binance kasi di natin alam ang mga sunod pang gagawin ng SEC kaugnay sa isyung ito.

1. Ano ang nararamdaman mo sa pagpaalis ng SEC sa Binance dito sa Pilipinas? Ito ba ay nararapat lamang o medyo di makatarungan lalo na sa mga maliliit na tao na nasa industriya ng cryptocurrency?

2. Sa tingin mo, babalik pa kaya ang Binance dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-comply ng mga requirements na kailangan para maging legal sila dito sa ating bansa?